Marahil isa sa pinaka masarap damhin o pakiramdam ay ang karanasan sa pag-ibig.
Yun damdamin na hindi maintindihan kung saan nanggagaling, kung bakit ? Damdamin na hindi basta maipaliwag. At marahil iba iba ang karanasan ng bawat isa; ngunit iisa ang punot dulo ng nararamdaman... yun pagseselos na kay hirap ipaliwanag, yun biglang pagtambol at kaba sa dibdib na di mawari kung ano at bakit? Yung galak tuwa't saya na di mapapantayan tuwing nasisilayan ang kinagigiliwang mahal. Yun pagtatagpo ng mata sa mata na may kakaibang boltahe ng kuryente sa titig tingin at mga nakaw na sulyap.
Ngunit sa kabila nito nariyan din naman ang walang kasinghapdit kirot na di maarok tuwing masasaling at napapasubo sa unos ng kabiguan ang hamak na mangingibig.
Saan at ano nga ba bakit kay hiwaga ng pag-ibig?
Magkaganunpaman, nabigo man o sawingPalad sa unang pag-ibig hindi maikakaila na napakasarap parin sariwain isipin gunitain ang mga alaala ng mga nakaraan sa piling ng iniirog na minahal ng sagad at halos walang kapantay na ulos ng damdamin.
Mayroon din naman sa pakiwari ay nagkikimkim ng lihim na pag-ibig. Pilit ikinukubli nito ang payak na damdamin, marahil sa takot na harapin ang kabiguan o balewalain ng kanyang iniibig kayat nagtitiis ito itago na lamang at namnamin sa sarili at hayaang lipasan ng panahon.
Subalit mapalad ang nagkakaroon ng lakas loob na ihayag ipaalam sabihin sa minamahal nito ang kimkim na damdamin.
Anuman ang kahantungan mas mainam parin ang nasabi natin sa ating mahal ang pambihirang damdamin na nagtagot lihim na nabalot sa hiwaga ng pag-ibig. Dahil anong say-say ng emosyon na ating nadarama kung ito ay kikimkimin at itatago lamang.
Ngunit malamang mayroon din naman kung tawagin ay pusongBato; ito yun walang pakialam, mandi'y manhid ang damdamin
Walang inatupag kundi pansarili lamang
Puro panay ako ako ako at ako !
Totoo maraming uri ng pag-ibig o pagmamahal. Nariyan ang pagmamahal sa magulang sa ina't ama, sa mga anak, kaanak, kaibigan.
Ngunit ang tukoy at tumbok natin ay ang pag-ibig na hindi maarok.
May kasabihan pa na 'kapag hindi natin maintindihan kun bakit labis labis na gusto natin ang isang tao marahil biktima kana ng pana ni kupido o nasadlak kana sa mahiwagang kulungan ng pag-ibig.

No comments:
Post a Comment