Kapag nakakakita tayo ng larawan ng Jeepney tumatatak agad sa ating isipan ang pagkaPinoy natin. Bukod tangi sa buong mundo ang 'Public Utility Vehicle' na jeepney na gawang Pinoy. Halos karamihan nga ay gawa lang sa mga 'backyard shop' ng mga malikhaing Pinoy na Latero welder, mekaniko atpb na 'skilled workers natin. Pasadya ito sa gawang surplus na makina, kailangan matibay ang pang-ilalim na 'chassis kung kayat kpansin-pansin lalo sa mga probinsiya maski 'overloaded ito hanggang 'topload at may halos sampu pa na nakasabit sa likuran minsan pati narin sa harapan ay umaarangkada ito. Binansagan na King of the Road' !
Pagbabago? Sa ayaw at sa gusto natin darating ang panahon ng pagbabago. Marami na ang nabago. Maski ngayon kamakailan lang nauso na ang mga Utility Vans na pampasada maski sa mga liblib na probinsiya kagaya sa mga Toyota Hi-ace, Nissan Urvan atpb.
Subalit itong programang pag-phaseout ng mga Jeepneys kapalit ng mga E-jeepneys ay makabubuti nga ba at kapakanan nga ba ng bansa? Na kung saan ang teknolohiya at makinarya ay aangkatin din sa ibang bansa na kung saan ay malamang plantsado na at tapos na nga ang kontrata kung kayat pilit na isinusubo sa mga nasa 'Transport na kabuhayan at paggawa.
Sino ba ang ayaw ng modernisasyon. Nasa 'computer internet 'age na tayo. Ngunit ang mahalagang katanungan ganun parin. Ang Pinoylandia ba may sarili ng teknolohiyat makinaryat sopistikado kagamitan na sariling gawa o Pinoy 'branded na mga produkto? Ilan beses kona naisulat naikuwento ito mula pa sa aking blogsite na walang nagbabasa at nagkaka-interes(http://pilosopongpinoy.blogspot.com/2009/06/buhay-pinoy-at-kahirapan.html?m=1)ilan taon narin ang nakalilipas.
Ang pagbabago o modernisasyon ay hindi ganap na maisasakatuparan kung ang teknolohiya ay halos lahat manggaling sa ibang bansa. Ang makabuluhang industriya ng pagbabago ay hindi basta magaganap makukuha yan sa biglaan at karakaraka lamang na programa. Ang China halimbawa nag-umpisa yan magplano at isakatuparan ang industriyalisasyon noong 1950's, at halos taong 1980's lamang unti unti nila naramdaman at nagsimulang umani sa itinanim nila na mga programang pagbabago tungo sa pagiging tunay na independente industriyalisado maunlad na bansa.
Mangyayari o maisasakutaparan lamang ito sa masusing pag-aaral at pangmatagalan na plano (long term blueprint).
Obserbahan na lamang ang nangyayari dito sa LRT/MRT natin maliban pa sa palpak na pakikipagnegosasyon at kurapsyon sa mga suppliers nito ay halos nagtatapon ang pamahalaan ng trilyones na pondo para dito. Eh kung may sarili tayong teknolohiya at industriya nito hindi sana nagkawendang-wendang na ganito.
Makatotohanan makaPilipino na INDUSTRIYALISASYON ang dapat tinutumbok ng Bayang Magiliw.

No comments:
Post a Comment